Rhozel Administator
Posts : 39 Join date : 2010-03-25 Age : 29 Location : Canada
| Subject: AJ Perez is not insecure about Enchong Dee’s soaring career Sun Apr 11, 2010 1:25 pm | |
| Kung si Erich Gonzales ay napapabalitang may attitude problem na umano, ang Tanging Yaman leading man naman niyang si Enchong Dee ay nanatiling down-to-earth pa rin ayon sa kanyang fellow Giggerboy na si AJ Perez. Kahit na mas lumaki na ang TV exposure nito, wala raw nagbago sa ugali ni Enchong mula noong unang nagkatrabaho sila sa isang weekly teen-oriented show four years ago. “Siguro kung meron mang nagbago, mas lumobo yung abs niya. Hahaha! Wala e. As in same Enchong since Abt Ur Luv days pa. He's still very humble, very nice to all of us, pero kuripot pa rin,” natatawang bungad ni AJ sa isang panayam ng ABS-CBN.com kamakailan.
Wala rin daw dapat ika-insecure ang sino man sa kanilang Giggerboys (kasama sina Robi Domingo, Sam Concepcion, Arron Villaflor, Dino Imperial, at Chris Gutierrez) sa namamayagpag na career ni Enchong dahil matagal naman din itong naghintay bago nakakuha ng magandang break sa showbiz. “Hindi, kasi come to think of it, si Enchong naman talaga ang pinaka-deserving sa amin lahat para makuha ‘yang success na ‘yan. Nung nag-uumpisa pa lang siya, I saw how he goes to school, swimming, tapos diretso ‘yan sa set para mag-taping. Makikita mo talaga yung ginagawa niya, nakakapagod. I am just really happy that he got what he deserves right now. So walang inggitan. As in if ever someone has his own project, we’re just happy for each other.”
Pagdating naman sa sarili niyang showbiz career, hindi raw naiinip si AJ na magkaroong ng starring role lalo pa’t third year high school pa lang siya sa La Salle, Greenhills. “Sa totoo lang marami din akong projects na tinanggihan dahil sa school. Siyempre kahit papaano nasayangan ako dahil opportunity din yun e. Pero at the same time, inisip ko na at least tinurn down ko yun for a better cause, for school, kasi priority naman dapat ng kabataan ang school. But of course I do hope that there will be a project where I can show my talent in acting. Siguro pagka-graduate ko next school year, we’ll see how things will go from there.” | |
|